Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang paggamit ng distance learning modules o blended approach na walang maayos na patnubay sa mga bata.
Ito ang puna ng Bise Presidente matapos ihayag ng Department of Education (DepEd) na nagkaroon ng higit 155 errors sa kanilang learning materials.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na hindi naman agad matututuhan ito ng mga bata.
Iginiit ni Robredo na dapat magkaroon ng gabay ang mga bata sa learning process.
Nangangamba naman ang bise presidente sa mga batang walang magulang na tumutulong sa kanilang pag-aaral lalo na at may mga problemadong modules.
Aniya, ang mga problema sa modules ay agad na mareresolba kung nandiyan ang mga magulang pero karamihan sa kanila ay nagtatrabaho at walang kapasidad na magturo.