KAWALAN NG KAAYUSAN | Prangkisa ng Dimple Bus, namemeligro

Manila, Philippines – Nanganganib na mameligro ang prangkisa ng Dimple Star Transport matapos na.

Makita ang kawalan ng kaayusan sa terminal nito sa Quezon sa isinagawang inspection kahapon.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, uungkatin nilang sa gagawing pagdinig sa April 18 sa kinasangkutang trahedya ng bus nito sa Occidental Mindoro.


Sa inspection na isinagawa ni Delgra, nakita ang nakita ang walang maayos na upuan at trapal lamang ang silungan ng napakahabang pila sa gitna ng dagsa ng mga pasahero na naghahabol na makauwi sa mga lalawigan ngayong Semana Santa.

Sinabi ni Delgra na nakadepende sa tugon ng naturang bus company kung ma i-renew pa ang prangkisa nito.

Pinayuhan LTFRB Chairman Martin Delgra ang mga pasahero ng Dimple Bus Line na magtungo sa Araneta Bus Terminal sa halip na sa Quezon Avenue dahil hindi naman matatawag na terminal hitsura ng pasilidad doon.

Ayon kay Delgra, bagamat may naisyung business permit mula sa Quezon City LGU, Terminal-Garage naman ang nairehistro ng Dimple Bus Line.

Facebook Comments