Lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na hindi pa handa sa ngayon ang elementarya at high school para sa digital o online learning para sa pagbubukas ng klase sa Agosto.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, malinaw sa isinagawang pagdinig ng pinamumunuan niyang komite na 15 percent pa lang ng mga guro ang nabigyan ng training sa pagtuturo online at 84 percent ang hindi pa handa.
Binanggit din ni Gatchalian na wala pa ring sapat na kagamitan lalo na sa mga public schools tulad ng laptop o tablet, at iba pang online learning materials pati mga sanitation kits para tiyakin ang kalinisan laban sa COVID-19.
Bunsod nito ay iginiit ni Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na magsagawa ng puspusang pag-aaral at paghahanda sa susunod na tatlong buwan o bago magbukas ang klase sa August 24, 2020.