Kawalan ng kakayahan ng gobyerno na masawata ang mga POGO, maituturing na pagkutya sa batas ng bansa

Nagbabala si Senator Grace Poe na magiging matinding panunuya sa ating batas ang kawalan ng gobyerno ng kakayahan na masawata ang mga krimeng may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang reaksyon ng senadora ay kasunod na rin ng raid sa POGO hub sa Tarlac kung saan nailigtas ang mahigit sa 800 mga Filipino at foreign POGO workers mula sa panganib ng human trafficking.

Ayon kay Poe, ang pinakahuling raid sa Tarlac ay nagpapakita sa paglaganap ng iligal na operasyon ng mga offshore gaming na bumibiktima sa ating mga kababayan.


Ang mga krimen na may kaugnayan sa POGO activities ay mas naging marahas tulad ng human trafficking, prostitusyon, kidnapping for ransom, torture, online scam, at paggamit ng fake IDs at passports.

Sinabi pa ng Chairperson ng Senate Committee on Public Services na sa kawalan ng kongkretong polisiya sa pagpapahinto ng operasyon ng mga POGO ay mahalagang paigtingin ng mga alagad ng batas at ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang mga hakbang para masawata ang mga mapanlinlang na gawain ng POGO.

Facebook Comments