Kawalan ng kapangyarihan ng BFP na suriin ang fire safety measures ng mga casino, ikinadismaya ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Ikinalungkot ni Senate President Koko Pimentel na kinailangan pang mangyari ang trahedya sa Resorts World para ma realize natin na mali ang arrangement sa pagitan ng Bureau of Fire Protection o BFP at Philippine Economic Zone Authority o PEZA.

Ang tinutukoy ni Pimentel ay ang kawalan ng kapangyarihan ng BFP na inspeksyunin ang fire safety measures ng mga casino dahil nasa ilalim ito ng PEZA.

Para kay pimentel, komplikado ang nasabing arrangement sa pagitan ng BFP at PEZA.


Dapat aniya ay BFP ang may saklaw sa anumang may kaugnayan sa fire safety.

Ikinatwiran pa ni Pimentel na sayang ang expertise ng BFP kung ipapasa sa ibang entity ang trabaho nito.

DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments