Kawalan ng MWSS ng mga technical experts, pinuna ng isang senador

Isinisi ni Senator Joel Villaneuva ang nararanasang krisis sa tubig sa kawalan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ng mga technical experts sa water suplay.

 

Para kay Villanueva, hindi rin akma ang kwalipikasyon ng mga  bumubuo sa board of trustees ng MWSS na pawang mga abogado, mga retiradong opisyal ng pulisya at militar, at isang chemical engineer lamang.

 

Diin ni Villaneuva, ito ay malinaw na paglabag sa Republic Act 6234 o MWSS Charter, kung saan nakatakda na dapat ay mayroong civil engineer o sanitary engineer na kabahagi sa board of trustees ng MWSS.


 

Sa tingin ni Villanueva, ang kasalukuyang komposisyon ng MWSS ay walang kakayahan na tumugon sa mga problema sa tubig at maglatag ng mga pangmatagalang solusyon.

 

Bukod dito ay inakusahan din ni Villanueva ang MWSS ng pagprotekta sa Manila Water kumpara sa kapakanan ng publiko na nagdurusa dahil sa kawalan ng suplay ng tubig sa mga lugar na sakop ng operasyon ng Manila Water.

 

Ipinunto ni Villanueva ang kawalan ng matapang na pahayag at aksyon ng MWSS laban sa Manila Water.

Facebook Comments