Kawalan ng plano kaugnay sa rehabilitasyon ng San Juanico Bridge, hindi katanggap-tanggap

Hindi katanggap-tanggap para kay House Assistant Majority Leader and Tingog Party-list Representative Jude Acidre ang kawalan ng paghahanda sa epekto ng pagsasara at rehabilitasyoon ng San Juanico Bridge.

Bunsod nito, isinulong ni Acidre sa Kamara na imbestigahan ang kasalukuyag estado ng San Juanico Bridge at ang kawalan ng agarang aksyon dito ng Department of Public Works and Highways at iba pang kaukulang ahensya.

diin ni Acidre, aalamin sa pagdinig ang rason sa kawalan ng ng DPWH ng kongkretong plano at contingency measures gayundin ang kakulangan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

Ayon kay Acidre, welcome sa mamamayan ng Eastern Visayas ang rehabililtasyon ng San Juanico Bridge pero dapat ay nagkaroon ng sapat na prepasyon laban sa matinding epekto nito sa transportasyon at sa ekonomiya.

Facebook Comments