KAWALAN NG PONDO PARA SA TERTIARY EDUCATION SUBSIDY PROGRAM NG GOBYERNO, INIHAYAG NG CHED REGION 1

Inihayag ngayon ng Commission on Higher Education (CHED) Region 1 ang kawalanng alokasyon o pondo para sa Tertiary Education Subsidy Program scholarship ng gobyerno para sa mga mag-aaral sa kolehiyo na naka-enrol sa iba’t ibang pribadong tertiary school sa buong bansa.
Ito ang ni kinumpirma ni CHED Region 1 Director Danilo Bose na walang pondong nakalaan para sa mga benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy program ng gobyerno dahil hindi ito kasama sa General Appropriations Act o hindi inaprubahan ng Kongreso ang naturang programa para sa taong 2021, 2022 at ngayong taon.
Aniya pa, tanging mga mag-aaral o benipisyaryong mula sa 3rd year at 4th year college ngayon lamang ang naaprubahan kung saan walang budget para sa first year at second year college.

Ayon sa pagtatanong-tanong ng IFM Dagupan sa ilang guro na nagtuturo sa pribadong paaralan sa Pangasinan, pinayuhan na ang kanilang mga estudyante na hindi naaprubahan ang naturang subsidy upang sila ay makapag-handa na sa mga nakaambang babayaran sa kanilang paaralan.
Samantala, kumukuha ngayon ng reaksyon ang IFM Dagupan sa mga pribadong paaralan sa lalawigan ukol sa naturang usapin. |ifmnews
Facebook Comments