Kawalan ng RFID ng maraming motorista, hamon pa rin sa TRB para maisakatuparan ang 100% cashless transactions

Isang malaking hamon sa Toll Regulator Board (TRB) ang kawalan pa rin ng RFID stickers ng maraming motorista upang tuluyan nang maipatupad ang cashless tollway system.

Sa Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni TRB Spokesperson Julius Corpus na marami pang motorista ang wala pa ring RFID.

May iba naman na meron, madalas namang walang sapat na load.


Kaya ayon kay Corpus, ito ang pangunahing rason kung bakit hindi pa maabot ang target nilang 100% cashless transactions sa mga tollway.

Sinabi pa ni Corpus, nasa ikalawang buwan na sila ng dry run para sa cashless tollway system at kapag natapos ito sa October 31, kanila itong tatantiyahin kung kinakailangan pang mapalawig o kung hindi na.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Corpus na wala namang major issues silang naitala sa unang isang buwan ng dry run.

Pero muling umapela si Corpus sa mga motorista na magpalagay na ng RFID at lagyan ito ng sapat na load para hindi maging dahilan ng pagbagal o pagbigat ng trapiko sa mga tollway.

Facebook Comments