KAWALAN NG SUPLAY NG BAKUNA PARA SA COVID-19 SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, IDINADAING NG MGA PANGASINENSE

Idinadaing na ng ilang Pangasinense ang kawalan ng suplay ng bakuna para sa COVID-19 sa lalawigan.
May mga bayan at lungsod na sa lalawigan ng Pangasinan ang nakakaranas ng kawalan ng suplay ng bakuna gaya na lamang ng Pfizer at Sinovac Vaccine.
Sa pagtatanong-tanong ng IFM Dagupan sa mga health workers na nangangasiwa ng bakunahan sa Dagupan City, marami na ang nagpupunta na mula pa sa ilang bayan sa lalawigan upang magpabakuna ngunit sa kasamaang palad wala din silang naaabutan dahil wala ng suplay.

Ang ilan umano sa kanila ay requirement upang umalis sa bansa o mag-aapply ng trabaho abroad. Ang iba naman ay kailangan upang makakuha ng dokumento.
Paliwanag ng mga healthcare workers, ilang linggo nang nararanasan kung saan nagsimula umano ito noong August 21 na wala ng suplay.
Hinihingan pa ng reaksyon ang Pangasinan Health Office at Dagupan City Health Office ang paliwanag kung bakit wala ng suplay ng bakuna sa mga vaccination sites.
Nanawagan naman ang mga Pangasinenseng nangangailangan ng bakuna na sana umano ay may dumating ng bagong bakuna. |ifmnews
Facebook Comments