Tinalakay sa ginanap na sesyon ng Sanggunian sa Asingan ang reklamo at problemang kinakaharap sa madalas na mahina at kawalan ng suplay ng tubig sa bayan.
Ipinunto ng isang mambabatas ang kakulangan at hindi epektibong solusyon ng water service provider ng bayan sa kabila ng pangakong pagpapabuti ng operasyon na nakasaad sa nilagdaang Joint Venture simula 2022.
Paliwanag naman ng pamunuan ng water service provider, kinakailangan umano na isailalim sa rehabilitasyon ang buong pipe network upang masiguro ang sapat na suplay ng tubig.
Madalas ireklamo ng mga konsyumer ang provider dahil sa parehong problema na araw-araw umanong nararanasan sa iba’t-ibang barangay tulad sa Carosucan Norte.
Iginiit naman ang agarang solusyon ng water provider upang mapaigting ang suporta ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









