Hinaing ngayon ng ilang magsasaka sa bayan ng Asingan ang kawalan ng suplay ng tubig sa mga sakahan sa nasabing bayan.
Ito ay matapos ang pagbisita at pagmonitor ng mga kawani ng kanilang lokal na pamahalaan upang alamin ang kalagayan ng mga magsasaka partikular na sa Barangay Cabalitian.
Paliwanag ng ilang magsasaka, noon daw ay napagliliguan pa raw nila ito dahil sa maraming suplay ng tubig. Nakita namang dahilan ang pagpapatayo ng mga kabahayan at bakod ng mga residente, at ang hindi pagpapanatili sa daluyan ng tubig.
Idinulog ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa ahensya ng National Irrigation Administration (NIA) Region 1 ang paglalagay ng solar powered pump sa mga sakahan.
Dagdag ng alkalde, lilikom ito ng pondo upang maayos na muli ang rehabilitasyon ng Sinapog Irrigation System siyang nakikita niyang solusyon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa mga barangay na sakop ng Asingan-Villasis Road. |ifmnews
Facebook Comments