
Nasilip ni bagong Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang kawalan ng presensya ng traffic enforcers sa bus stops ng EDSA busway.
Sa kanyang pagharap sa media, sinabi ni Dizon na bunga nito ay lumalagpas sa itinakdang oras na pagsakay ng mga pasahero ang mga bus sa EDSA carousel.
Pagdating din aniya ng gabi ay nagbababad na ang mga bus sa bus stops at minsan ay lumalabas na rin sila sa busway.
Pursigido rin ang bagong Transportation secretary na maglagay ng hiwalay na dedicated concourse o bridgeway sa EDSA busway at MRT 3 para maiwasan ang siksikan ng mga pasahero lalo na kapag rush hour.
Nais din ni Dizon na maglagay ng mga signage para hindi malito sa direksyon ang commuters.
Facebook Comments