Kawani ng BFP, Arestado sa Kasong paglabag sa R.A 9262!

227

Cabagan, Isabela – Nadakip ang isang kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) – NCR kaninang alas dos y medya ng hapon (2:30pm) sa Centro, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Randolf Jimenez, 28 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Cabannungan 2nd, Ilagan City, Isabela.


Napasakamay ng PNP Cabagan si Jimenez sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 – Cabagan, Isabela dahil sa paglabag sa R.A 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.”

Agad na pinalaya si Jimenez matapos makapagpiyansa ng halagang P 72,000.00 sa korte.

Facebook Comments