Kawani ng BFP, natimbog ng CIDG dahil sa kanyang modus na hoax promotion

Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang 29-year-old BFP personnel dahil sa paglabag sa R.A. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at Estafa in relation to cybercrime law sa isang mall sa Muntinlupa City kahapon.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Romeo Caramat Jr., nag ugat ang kanilang operasyon makaraang makatanggap ng impormasyon na ang modus ng suspek ay mangako na makakapasok sa BFP at magiging opisyal sa pamamagitan ng lateral entry kapalit ng P200,000.00.

Agad namang nagkasa ng operasyon ang CIDG Anti-Organized Crime Unit kasama ang Intelligence Division at Investigation Division ng Bureau of Fire Protection kung saan huli sa entrapment operation ang suspek.


Nakumpiska mula dito ang
– isang (1) black belt bag;
– isang (1) bfp identification card;
– isang (1) mobile phone; and
– boodle money

Nasa kustodiya na ng CIDG Anti-Organized Crime Unit ang naturang suspek para sa proper documentation and disposition.

Facebook Comments