Kawani ng city government patay 2 sugatan sa pamamaril sa lungsod kagabi

Patay ang isang kawani ng lokal na pamahalaan ng Cotabato City ng pagbabarilin sa barangay Bagua 2 pasado alas otso nitong Biernes ng gabi.
Kinilala ni Police Station 4 Commander PSI John Minendel Calinga ang biktima na ai Ahman Lu Juanday, may asawa at nakatira aa Lugay Lugay barangay Bagua Uno.
Sugatan naman ang dalawang bystander na kinilalang sina Datu Salam Faisal Paki , 16 anyos at Haynen Credo Mamantar, 20 anyos pawang mga estudyante at nakatira sa nabangggit na lugar.
Nakaupo lamang si Juanday sa kanyang motorsiklo habang kausap ang isang hindi kilalang lalaki ng lapitan ng suspect at pagbabarilin.
Dalawang tama ng bala ang tumama sa likod ng biktima na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Narekober sa crime scene ang basyo mula sa cal.45 pistol at 9mm pistol.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments