Kawani ng gobyerno nakaligtas sa pamamaril sa bayan ng Arakan North Cotabato

Nakaligtas sa kapahamakan ang isang kawani ng Provincial Government ng North Cotabato ng ito ay pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa sitio Malingcongcong barangay Doroluman sa bayan ng Arakan sa lalawigan ng Cotabato.
Kinilala ni Police Supt Bernard Tayong , tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office ang biktima na si Helen Andres; nasa tamang edad.
Dakong alas 6:45 ng umaga nitong Lunes ay sakay ang biktima ng kanyang Suzuki 150 motorcycle patungo ng kanyang opisina sa Amas Kidapawan City ng siyay sundan at pagbabarilin ng suspect subalit masuwerteng hindi tinamaan ang bikrima habang mabilis namang tumakas ang suspect.
Inaalam pa ng Arakan Pnp ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments