Kawani ng Lgu Carmen sa North Cotabato patay sa pamamaril

24

Isang kawani ng Carmen LGU ang namatay ng pagbabarilin sa loob ng Kim’s Videoke Bar sa Purok 8, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Carmen sa lalawigan ng North Cotabato dakong alas 10 kagabi
Kinilala ang biktima na si Adello Marcelino y Quiñones, 48 anyos , may-asawa job order ng LGU-Carmen na residente ng Purok 3 sa nasabing lugar.
Patungo ang biktima sa kanyang kaibigan na nasa videoke house at dito na siya binaril ng hindi pa nakikilalang suspect. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo mula sa cal. 45 pistol na siyang ginamit ng salarin.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon Carmen Pnp sa kaso kung sino ang suspect at ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments