Cauayan City – Kumasa sa tatlong araw na standard first aid training ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng San Manuel, Isabela.
Ang pagsasanay na ito ay pinangunahan ng mga trainers mula sa Southern Isabela Medical Center’s Health Emergency Management Staffs (HEMS), at Health Emergency Disaster Management Unit (HEDMU), kung saan layunin nitong mas mapalakas pa ang kakayahan ng komunidad pagdating sa health and safety response.
31 indibidwal ang lumahok sa aktibidad kung saan nanguna sa pakikilahok ang Rural Health Unit ng San Manuel sa pangunguna ni Dr. Nikki Rose Agcaoili, kasama rin ang ilang kawani ng Public Order and Safety Unit, at Engineering Office.
Tampok sa pagsasanay ang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan pagdating sa first aid techniques and emergency response strategies kung saan naganap sa Cobra Firing Range ang kanilang isinagawang final drill.
Malaki ang maitutulong ng pagsasanay na ito upang mas maging epektibo pa ang pamamahala ng mga kalahok pagdating sa medical emergencies kaya naman ipinaabot ni Municipal Mayor Hon. Faustino Dy, IV ang kanyang pasasalamat sa kontribusyon at partisipasyon ng lahat ng mga kalahok.