KAWANI NG LTO REGION 1, IPINAKALAT UPANG TUTUKAN ANG ROAD SAFETY MEASURES

Puspusan ang pagtataguyod ng Land Transportation Office Region 1 sa Road Safety Measures alinsunod sa direktiba ng Department of Transportation.
Ipinakalat ang mga kawani ng ahensya sa mga kakalsadahan sa rehiyon upang antabayan ang mga motorista partikular na ang mga patuloy na lumalabag sa batas trapiko.
Pagtitiyak ng pamunuan na may karampatang parusa ang mga nakita at napatunayang lumalabag sa umiiral na batas lalo na ang mga nagdudulot ng banta sa public safety. Muling iginiit ng awtoridad ang striktong pagtalima sa mga traffic laws at isabuhay ang responsableng pagmamaneho upang hindi makapaminsala ng iba pang buhay, kasunod na rin sa mga kailan lamang naitalang mga disgrasya sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments