Kawayan Bilang Pangunahing Produkto ng Ideal City of the North, Ibinida sa Linggo ng Turismo!

*Cauayan City, Isabela-* Nilinaw ni Sangguniang Panlungsod Member Garry Galutera na “Kawayan” ang pangunahing produkto ng Ideal City of the North o ng Lungsod ng Cauayan.

Dati umano na kabute ang ipinagmamalaking produkto ng Cauayan City subalit dahil umano sa pabago-bagong panahon ay mahirap umanong panatilihin ang magandang produksyon nito at pagtatanim ng kabute.

Dahil dito ay pinalitan umano nila ng “kawayan o labong” ang kabute bilang pangunahing produkto ng Lungsod ng Cauayan.


Marami rin kasi umanong produkto ang maaaring magawa mula sa kawayan at marami rin umanong recipe ang pwedeng lutuin mula sa labong.

Kaugnay nito ay kasalukuyan ngayon ang selebrasyon para sa Tourism Week ng Lungsod ng Cauayan kung saan layunin nito na maipakita ang ganda ng Ideal City of the North at maipakita rin ang mga produkto at spesyal na recipe ng bawat barangay mula sa labong.

*Tags: dwkd985cauayan, rmn cauayan, luzon, isabela, cauayan city, sangguniang panlungsod member garry galutera, tourism week, ideal city of the north, *

Facebook Comments