Kaya mo bang akuin ang responsibilidad na hindi naman sa’yo?

155

*i Confessions: “Ramon”*
Dear Uncle Tom Bok,
Ako nga po pala si Ramon, 28 years old at nagtatrabaho bilang call center agent.
Mayroon po akong girlfriend at sa katunayan, kami po ay naglilive in na. Tatlong taon na po ang aming relasyon at ikakasal na kami.
Napansin ko noong mga nakaraang buwan, madalas siyang nagpaalam na aalis. Pinayagan ko na lang po dahil baka naiinip lang siya sa bahay. Dahil po sa tuwing gabi ay wala ako para magtrabaho at sa araw, tulog ako. Napansin ko na masama lagi ang kanyang pakiramdam at lagin nahihilo. May mga times pa po na naduwal siya. Inisip ko po na baka buntis siya. Ngunit matagal na rin ng kami ay nagtalik. Kinausap ko po siya at sinabi niya sa akin na nagdadalang tao siya. Ngunit ang masaklap, hindi ako ang ama.
Uncle tombok, handa pa rin siyang magpakasal sakin at kinausap niya ako na ako na lang daw ang tumayong ama.
Mahal ko siya uncle tombok pero ng marinig ko yun sa kanya ay tila gumuho ang mundo ko. Ilang buwan na lang po ay magiisang dibdib na kami at hindi ko po alam ang gagawin. Hindi ko po alam kung magpapakasal pa ako sa kanya o iiwan ko na lang siya.

Facebook Comments