KAYANG-KAYA | Probelma sa trapik, kayang tapusin ng administrasyon

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na kayang resolbahin ng administrasyong Duterte ang problema sa trapiko ng bansa sa loob ng kanilang pamumuno.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng pahayag ng UBER kung saan sinabi nito na wala nang pag-asang maresolbe ang trapik sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dahil sa political will ng administrasyon ay tiyak na mareresolba ang matagal nang problema sa trapiko.


Binigyang diin pa ni Roque na kailangan ding maibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang emergency power para mapabilis ang mga proyekto ng pamahalaan para hindi na kailangan pang maghintay ng maraming taon para mapabilis ang daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila.

Kapag aniya nailatag na ang maayos na transport System at mga bagong infrastructure sa ilalim ng Build-Build-Build Program ay mareresolba ang problema.

Naniniwala naman si Roque na bukod sa mga hakbang ng pamahalaan ay malaki din ang maitutulong ng disiplina ng bawat Pilipino para maresolba ang matinding trapik hindi lang sa Metro Manila kundi sa lahat ng panig ng bansa.

Facebook Comments