Sta Ana, Cagayan – Nangantiyaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Lal-lo International Airport na labas sa inihandang talata ng kanyang mensahe sa kanyang pagdalaw sa Sta Ana, Cagayan ngayong araw ng Marso 14, 2018.
Si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagtungo sa Lalawigan ng Cagayan upang bisitahin ang Lal-lo International Airport at Cagayan Economic Zone Authority(CEZA) upang saksihan ang pagsira sa mga luxury cars na illegal na ipinasok na sasakyan Port Irene, Sta Ana, Cagayan. Kabilang din sa nakatakdang sisirain ay 800 pang mga imported used cars mula sa Japan.
Sa kayang pagtungo sa dulong Hilaga ng Luzon ay mainit siyang sinalubong sinalubong ng mga lokal na mamamayan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawan sa pamamagitan ng cellphone, hiyawan at pagsigaw ng apelyido ng Presidente.
Sa youtube post ng account owner na OPLAN TOKHANG sa kuhang video ng RTVM ay iniisa isa ng pangulo ang mga kasapi ng kanyang gabinete na mga tubong Hilagang Luzon.
Binanggit niya sina DPWH Secretary Tugade na valedictorian niyang kaklase sa kolehiyo, DOLE Secretary Silvestre Bello lll na kanyang naging roommate, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr na magaling sa akademiya, CEZA Administrator Atty Raul Lambino at Bureau of Customs.Director Isidro Lapeña na dati niyang hepe ng pulisya sa Davao.
Binanggit pa na ang mga Ilokano ay matino, bright at hindi corrupt na siya namang pinalakpakan ng mga tao.
Pero mas lalong humagalpak sa tawa ang mga nakikinig sa kanyang pananalita nang kanyang sinambit ang biro na: “kayong mga Ilokano…utusan lang ng Bisaya” sabay turo sa kanyang dibdid na siya namang nagtapos sa kanyang talumpati.
Tags: DWKD, iFM cauayan, RMN Cauayan, CEZA, Sta Anal, Lal-lo, Cagayan, Secretary Silvestre Bello lll, Isidro Lapeña, Atty Raul Lambino, Hermogenes Esperon Jr, Ilokano, Bisaya