KBP at IPOPHL, lumagda ng kasunduan kaugnay sa pagpapakalat ng impormasyon sa Intellectual Property

Asahan ang mas pinaigting na pagtutulungan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) at ng mga mamamahayag partikular na ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Kasunod ito ng pormal na paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng KBP at IPOPHL na layong mas maipaalam sa mga Pilipino ang kahalagahan ng Intellectual Property.

Ayon kay IPOPHL Director General Rowel Barba, napapanahon din ngayon na maipaalam ang tungkol sa intellectual property lalo na sa mga artist, imbentor, at mga entrepreneur sa bansa.


Naniniwala si Barba na malaki ang maitutulong ng IP lalo na sa ekonomiya.

Nagpapasalamat naman ang KBP sa pakikipagtulungan ng IPOPHL na patunay anila na kinikilala ng marami ang kredibilidad ng kapisanan.

Ang Radio Mindanao Networks Inc. ay miyembro ng KBP.

Facebook Comments