KBP, naniniwalang matatag pa rin ang traditional media sa kabila ng pagtangkilik sa digital revolution

Naniniwala pa rin ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na sa kabila ng pag-usbong ng digital revolution ay magpapatuloy at mananatiling matatag ang traditional media.

Ayon lay KBP President Noel Galvez na bagamat marami na ang nanonood at nakikinig sa social media, traditional media pa rin ang maituturing na tagapagbantay ng katotohanan.

Naniniwala si Galvez na patuloy na paniniwalaan at pakikinggan ang boses ng tradional media kahit pa aminado na marami ang tumatangkilik sa social media.


Aniya, ang mainstream media tulad ng radyo, TV, dyaryo at online news ang siyang mapagkukunan ng mga totoong impormasyon para sa kaaalaman ng publiko upang maiwasan na maging biktima ng fake news.

Ang naging pahayag ni Galvez ay kasunod ng ginaganap na KBP 50th Annual Top Level Management Conference sa Tagaytay City na may temang “upholding trust and credibility in broadcast media” na dinaluhan ng mga namumuno ng broadcast organizations sa buong bansa kabilang ang Executive Vice President at Chief Operating Officer ng RMN Metworks na si Mr. Enrico Canoy na Deputy Chairman ng KBP Standards Authority.

Facebook Comments