KBP Oplan Broadcastreeing 2017 sa Ilocos Norte, matagumpay!

304

Matagumpay na naisagawa ang taunang KBP Oplan Broadcastreeing activity dito sa lalawigan ng Ilocos Norte kasabay ang lahat ng miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa buong bansa.
Naganap ang sabayang pagtatanim dito sa Ilocos Norte sa Barangay Bacsil, bayan ng Dingras.
Hindi napigilan ang malakas na buhos ng ulan sa pag akyat sa bundok na sakop ng Barangay sa pagtatanim ng mahigit limangdaang seedlings ng mahogany sa lugar.
Ang nasabing aktibidad ay sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources-CENRO Laoag, Local Government Unit ng Dingras, Philippine National Police-Dingras, PINAKBET Group at iba pang volunteer groups sa lalawigan.

Facebook Comments