Isinagawa ngayong araw ang Oplan Broadcastreeing 2017 sa tabi ng Angalacan River na sakop ng Barangay Embarcadero, Nibaliw, at Tebag, Mangaldan Pangasinan. Dinaluhan ito ng mga volunteers mula sa iba’t ibang KBP Pangasinan Chapter TV & Radio Stations, LGU, PNP, Military, Government and Private Organizations na aktibong lumalahok sa mga aktibidad na may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan.
Aabot sa 2,000 assorted seedlings ang matagumpay na naitanim ng mga volunteers. Siniguro naman ng LGU Mangaldan sa KBP at DENR na susubaybayan ang paglaki at pangangalaga ng mga naitanim na seedlings sa pamamagitan ng mga barangay officials at residente na nakakasakop nito.
The KBP Oplan Broadcastreeing is now on its 7th year. This is an annual simultaneous tree planting activity of Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP).
[image: Inline image 1]