Pinag-aaralan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang posibilidad na isama ang mga ‘content creator’ tulad ng mga vlogger sa kanilang organisasyon.
Sa 50th KBP Top Management Conference, sinabi ni KBP President Noel Galvez, nakikita nila na ang mga broadcasters ay hindi lamang limitado sa mga nasa radyo at telebisyon kundi ang isang indibidwal na nagbo-broadcast ng impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya.
Kaya naman ikinokonsidera aniya nila sa KBP na maging inclusive ang organisasyon sa para sa lahat nang sa ganon ay makita nila sa pangkabuuan ang media landscape at matukoy kung sino ba talaga ang “broadcaster.”
Gayunpaman, nilinaw ni Galvez na hindi ito para sa indibidwal na akreditasyon.
Kinakailangan aniya na bumuo ng mga vlogger na bumuo o sumali sa isang organisasyon upang makakuha ng akreditasyon.