KC Concepcion, itinangging buntis siya!

Nakiusap ang actress-singer na si KC Concepcion na itigil na ang pagpapakalat ng tsismis na buntis siya.

Kahapon ay nagsagawa si KC ng question-and-answer session sa kanyang mga followers sa Instagram.

Isa sa mga sinagot ni KC ang hindi mamatay-matay na isyung pagbubuntis niya.


Ayon kay KC – ang tsismis ay paulit-ulit na nabubuhay mula pa noong college years niya.

Sinang-ayunan din ni KC ang komento ng isang netizen na only in the Philippines na kapag tumaba ka lang ay sasabihing buntis na.

Kaya sagot niya, nagpapapayat na siya baka mapagkamalan muli siyang buntis nang paulit-ulit.

Facebook Comments