KC Concepcion, kinukunsidera na ang marriage pagkatapos ng COVID-19 outbreak

“Ayoko ng mag-isa.”

Ito ang pahayag ng aktres na si KC Concepcion kasunod ng pagiging mag-isa nito sa kanyang bahay dahil sa Enhanced Community Quarantine ang buong Luzon dahil sa COVID-19.

Sa post nito sa kanyang Instagram account, ibinahagi nitong lalo niya raw nararamdaman ang pagiging single kapag mag-isa.


Dahil dito, nangako si KC na pagtutuunan na niya ng pansin ang pag-aasawa sa oras na malampasan ang COVID-19 outbreak.

Bumuhos naman ang suporta sa comment section ng kanyang post mula sa kanyang mga kaibigan at fans.

Facebook Comments