Keifer Ravena, balik PBA na mamaya

Maglalaro na mamayang hapon si NLEX guard Keifer Ravena para sa laban ng Road Warriors kontra Elasto Painters sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioners Cup.

Matatandaang nasa ilalim pa rin ng 18th month suspension si Ravena matapos magpositibo sa banned substance.

Makakasama rin si balik-import Olu Ashaolu bilang kapalit ni Tony Mitchell sa koponan.


Maghaharap ang Road Warriors at Rain or Shine mamayang alas-4:3o ng hapon na susundan ng Gin Kings at Phoenix Fuel Masters mamayang alas-7:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Samantala, target naman ng Fuel Masters ang pangatlo panalo kontra Gin Kings matapos maipanalo ang laban kontra NorthPort nitong Miyerkules.

Facebook Comments