Kemikal na pupuksa sa Marijuana, Pinag-aaralan na!

Benguet, Philippines – Pinag-aaralan na ng Police Regional Office o PROCOR ang paggamit ng mga chemical tulad ng herbicide at iba pang weed killers na ginagamit sa Industriya ng Agrikultura sa pagsira ng mga halamang hindi angkop sa pagtatanim, na posible din magamit sa pagpuksa ng mga tanim na marijuana sa rehiyon.

Kahit hindi sigurado ang magiging epekto ng mga kemikal na ito sa pagpugsa ng mga marijuana, handa itong pag-aralan ng maiigi para hindi din ito makakaapekto sa publiko, Ayon naman kay PRO-COR director Police Brigadier General Israel Ephraim Dickson.

Ang Benguet Provincial Police Office o BPPO naman ay may naitalang mga bagong taniman naman ng marijuana sa munisipalidad ng Kapangan, Kibungan at Bakun.


Kailan lamang ay deklarado na na drug cleared ang lugar ng kapangan, ngunit may mga naiulat na muling pag-usbong ng mga naturang taniman ng marijuana kung saan may naitalang mahigit P5 milyon ang sinirang mga seedlings at tanim sa isinagawang operasyon ng BPPO sa Bellis, Kapangan, dalawang linggo na ang nakakaraan ayon kay BPPO Director Colonel Elmer Ragay.

Pinapasalamatan naman ni Dickson ang mga komunidad na nag-report at nagbigay ng impormasyon ng mga nasabing taniman ng marijuana sa probinsya.

iDOL, ano sa tingin mo?

Facebook Comments