Kenneth Dong, iniharap ng NBI sa media

Manila, Philippines – Iniharap ng NBI sa media si Filipino-Chinese businessman Dong Yi Shen alyas Kenneth Dong na isa sa mga akusado sa P6.4 billion “shabu” shipment mula sa China.

Si Kenneth Dong ay naaresto sa Muntinlupa City sa bisa ng warrant of arrest mula sa Manila RTC Branch 46 na inisyu noong 2018

Si Dong ang itinuturong facilitator sa pagkakapasok sa bansa mahigit 602 Kilos ng shabu noong May 2017.


Kaninang umaga, iniharap na sa Manila RTC si Dong subalit wala pang inilalabas na commitment order ang korte kung saan siya ikukulong.

Pansamantalang idedetine si Dong sa detention facility ng NBI.

Bukod kay Kenneth Dong, naunang naaresto ng NBI sina dating Customs broker Mark Taguba at Eirene Mae Tatad.

Sa ngayon, nanatiling atlarge ang iba pang mga akusado sa shabu shipment kabilang na sina Richard Tan, Li Guang Feng alyas Manny Li, Tee Jay Marcellana, Chen I-Min, Jhu Ming Jhun at Chen Rong Juan.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments