Kenneth Dong, nailipat na sa Parañaque City Jail

Parañaque City – Nailipat na sa Parañaque City Jail si Kenneth Dong, ang sinasabing middleman sa naipuslit na 6.4 billion pesos na shabu shipment mula sa China.

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mula sa NBI Detention Center ay nailipat na si Kenneth Dong sa kulungan sa Parañaque.

Ayon kay Aguirre, tumalima lamang ang NBI sa commitment order ng Parañaque Regional Trial Court kung saan nakasampa ang kasong rape ni Dong.


Magugunitang matapos ang pagdinig sa Senado noong August 15, inaresto si Dong ng NBI dahil sa kinakaharap nitong rape case.

Facebook Comments