Kenneth Dong, nakalaya na

Manila, Philippines – Nakalaya na mula sa Parañaque City Jail ang negosyanteng si Dong Shi Yen alyas Kenneth Dong na nahaharap din sa P6.4-Billion shabu shipment mula China.

Kinumpirma ng abogado ni Dong na si Atty. John Ungab sa kanilang pagdalo sa pagdinig sa DOJ na noon pang Lunes nakalaya ang kanyang kliyente.

Ito ay matapos na umatras ang businesswoman complainant sa rape case ni Dong.


Sa kanyang pagdalo kanina sa preliminary investigation sa DOJ, si Dong ay nakasuot na ng puting polo shirt, wala nang posas at wala na ring kasamang jail guard.

Nagsumite ito ng kanyang rejoinder sa drug case na isinampa ng PDEA may kaugnayan nga sa shabu shipment.

Una nang nakulong si Dong dahil daw sa panghahalay nito sa negosyanteng babae noong April 9, 2016 sa loob ng isang townhouse sa Parañaque City.

Facebook Comments