Kennon Road, Kailangan pa ng karagdagang Budget!

Baguio, Philippines – Nangangailangan ang dalawang tulay sa Kennon Road ng budget bago ito tuluyang matapos. 

Ayon kay Department of Public Works and Highways–First Benguet District Engineering office District Engineer Ireneo Gallato ay mayroong mga aayusin sa Kennon Road na hindi sakop ng kontrata ng nanalong bidder kaya tinatayang aabot pa sa 14 milyong piso ang kailangang pondo.

Ang nanalong bidder ay kasalukuyang inaayos ang nasabing mga tulay sa loob ng kanilang 90-day contract.


iDOL, kelan sa palagay nyo matatapos ang repair sa Kennon Road?

Facebook Comments