Kerwin Espinosa at iba pang kapwa akusado, pinawalang sala ng korte sa kasong iligal na droga

Pinawalang sala ng Manila Regional Trial Court ang self-confessed drug dealer na si Kerwin Espinosa sa kasong iligal na droga.

Ang kaso laban kay Espinosa ay nag-ugat sa isinagawang drug raid ng mga pulis sa bahay ng mga Espinosa sa Albuera Leyte noong 2016.

Sa desisyon ng Manila RTC, nabigo ang prosekusyon na magpakita ng matibay na ebidensya para idiin si Espinosa sa pagiging drug lord.


Ayon sa kampo ni Espinosa, nasa abroad sila ng kaniyang pamilya nang mangyari ang naturang raid.

Matatandaang kinasuhan si Espinosa noon at pina-deport mula Dubai kung saan si dating PCSO Board Director Sandra Cam ang sumundo sa kanya.

Bukod sa Manila RTC, inabsuwelto rin ng Makati City Regional Trial Court (MAKATI RTC) si Espinosa noong 2021 dahil sa isa pang kaso ng iligal na droga.

Facebook Comments