Kerwin Espinosa, binawi ang lahat ng kaniyang mga alegasyon laban kay Sen. Leila de Lima

Nagsumite ng counter affidavit sa Department of Justice – National Prosecution Service (DOJ-NPS) ang kampo ni Kerwin Espinosa.

Ito ay para bawiin ang mga nauna nitong alegasyon na nag-uugnay kay Sen. Leila de Lima sa operasyon ng droga.

Sa kanyang kontra salaysay, itinanggi ni Espinosa ang naunang pahayag o extra judicial confession na isinumite sa mga pagdinig ng Senado noong 2016.


Giit nito sa kanyang kontra salaysay na pinuwersa, pinilit at tinakot lamang siya ng mga pulis para mag-imbento ng kuwento, sa takot para sa buhay matapos na mapatay ang kanyang ama na si Mayor Rolando Espinosa Sr., mahigit 2 linggo bago ang pagdinig.

Samantala, ayon naman kay Justice Sec. Menardo Guevarra, maglalabas ang tanggapan ng Prosecutor General ng pahayag.

Sa isang hiwalay na impormasyon, sinabi umano ni PG. Benedicto Malcontento na hindi bahagi si Espinosa ng mga saksi na tumayo sa kasong nakahain sa korte laban kay De Lima.

Facebook Comments