Kerwin Espinosa, Idinetalye Ang Pagbibigay Ng P8-Milyon Kay Senator De Lima

11

MANILA – Idiin ng itinurong drug lord na si Kerwin Espinosa sa iligal na droga si Senator Leila De lima.Sa pagharap sa pagdinig ng Senado sa pagkamatay ng amang si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa – idinetalye ni Kerwin kung papaano niya binigyan ng kabuuang walong milyong pisong drug money si De Lima para sa kampanya nito.Sa pamamagitan anya ng dating driver/bodyguard ng Senadora na si Ronnie Dayan naibigay niya ang pera sa ibat-ibang pagkakataon.Partikular na dito sa parking lot ng isang mall at isang kainan sa pasay City gayundin sa Burnham Park sa Baguio City.Ipinakilala anya siya ni Dayan sa Senadora gamit ang codename na “batman” sa Baguio City, noong nakaraang taon.Sa kanyang affidavit, itinuro din ni Kerwin si Jovie Espinido na nagpakilala sa kanya kay DayanMariin namang itinanggi ng Senadora na kakilala niya si Kerwin at hindi rin niya matandaan ang kanilang pagkikita sa Baguio City.Sa huli, nanindigan ang Senadora na hindi siya kailanman tumatanggap ng pera mula kay Kerwin para sa kanyang kampanya.

Facebook Comments