Kerwin Espinosa, nahaharap sa panibagong drug case

Nahaharap sa panibagong reklamo ng illegal drug trading si kerwin espinosa kaugnay sa kalakalan ng iligal na droga sa Eastern Visayas.

Nagtungo sa DOJ ang mga tauhan ng NBI-task force against illegal drugs para panumpaan at isampa ang kanilang reklamo laban kay espinosa at dalawamput-limang iba pa.

Si Espinosa ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act o illegal sale, trading, administration,dispensation, delivery, distribution and transportation of dangerous drugs.


Sinampahan din ng parehong kaso ang 15 iba pa kabilang na ang dalawang pulis na sina Police Chief Inspector Wilfredo Abordo at PO3 Dennis Torrefiel ng PNP Region 8 at si Marcelo Adorco na nasa ilalim ng witness protection program ng DOJ.

Bukod dito, kinasuhan din ng NBI ang pitong pulis at tatlong iba pa sa ilalim ng RA 9165 dahil sa sinasabing pag-protekta kina Espinosa.

Partikular na tinukoy na numero unong protektor daw ni Espinosa si dating Eastern Visayas Police Director Chief Supt. Asher Dolina.

Facebook Comments