Kerwin Espinosa, Nakatakdang Ilipat Sa Nbi Anumang Araw Ngayong Linggo

6

MANILA – Nakatakdang ilipat sa National Buruea of Investigation si Kerwin Espinosa, anumang araw ngayong linggo.Gayunman, tumanggi ang abogado nitong si Atty. John Ungab na tukuyin ang eksaktong petsa ng paglilipat kay Kerwin mula sa PNP-Anti Illegal Drugs Group (AIDG).Sinabi din ni Ungab na walang balakid sa paglilipat kay Kerwin matapos maisailalim sa provisional coverage ng witness protection program ng Dept. of Justice.Ang makakapagpabago lamang sa schedule ay kung muling ipapatawag sa senado ang kanyang kliyente para sa pagdinig.Matatandaan, binigyan ng sampung araw ng Baybay Leyte regional trial court branch 14 ang PNP-AIDG para ilipat si Kerwin sa NBI.

Facebook Comments