Kerwin Espinosa, pinayuhan si Senator Dela Rosa na magbago na

Sa ikawalong pagdinig ng House Quad Committee ngayon ay pinayuhan ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na magbago na at iwasang gumawa ng mga senaryo para masira ang mga kalaban sa pulitika.

Mensahe ito ni Kerwin matapos niyang isiwalat na iniutos noon ni Dela Rosa, bilang dating PNP, ang pagdawit kay dating Senator Leila de Lima sa ilegal na droga.

Panawagan naman ni Kerwin kay dating Pangulong Rodrigo duterte, i-validate nitong mabuti ang mga natanggap na report at huwag itong magpasulol sa mga taong nakapaligid sa kanya.


Sa kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Quad C34we5ommittee ukol sa extra judicial killings sa ilalim ng war on drugs ay binigyang diin ni Kerwin na ang tanging motibo lamang nya ay mabigyan ng hustisya ang ama na si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na pinatay habang nagmamakaawa sa loob ng kanyang selda sa Baybay City Provincial Jail.

Sa katunayan, handa si Kerwin na talikuran ang kanyang ambisyon sa pulitika na maging alkalde ng albuera kapalit ng hustisya para sa kanyang ama.

Facebook Comments