Kevin Durant, balik court na para sa koponang Brooklyn Nets

Balik-court na si National Basketball Association (NBA) superstar Kevin Durant matapos ang 18 na buwang pamamahinga dahil sa tinamong injury.

Sa ginanap na pre-season game ng NBA na isang debut game para kay Durant sa bago nitong koponan na Brooklyn Nets, umiskor agad ang manlalaro ng 15 na puntos sa loob lamang ng 24 na minuto.

Ayon kay Durant, masaya ito sa kaniyang pagbabalik-court at sa mahabang panahon ay ngayon na lamang niya ulit naramdaman ang pagiging isang basketball player.


Kumpiyansa naman ang ka-team nito na si Steve Nash na malaki ang maiaambag ni Durant sa kanilang mga magiging laban.

Facebook Comments