Kevin Durant, binansagang “ultimate weapon” ni Warriors head Coach Steve Kerr

Pinabilib ni small forward-power forward Kevin Durant ang kanyang coach at teammates sa Golden State Warriors kasunod ng panalo kontra Los Angeles Clippers sa playoffs.

 

Nakapagtala si Durant ng 50 points kung saan 38 points dito ay sa first half pa lang ng kanilang laban.

 

Ayon kay Warriors head coach Steve Kerr, itinuturing niyang “great performance” ang ipinakita ni Durant na sa first half pa lamang ay record breaking na.


 

Ginawa aniyang simple ni Durant ang pag-depensa laban sa Clippers.

 

Matapos ang laban ay binansagan si Durant ng kanyang coach bilang “ultimate weapon” dahil sa kanyang ipinakitang galing sa court.

 

Sa ngayon ay inaabangan na ang muling paghaharap ng Golden State Warriors at ng Houston Rockets sa second round ng playoffs.

Facebook Comments