Kevin Durant, muling nanguna sa Nets kontra New York Knicks

22

Nanguna si Kevin Durant sa panalo ng Brooklyn Nets kontra New York Knicks sa score na 116-109.

Nakagawa si Durant ng 26 points para maitala ng Nets ang ikapitong panalo sa kabila ng kakulangan ng players.


Nabigo naman sa Knicks si Julius Randle na may 30 points at si RJ Barrett na nag-ambag ng 20.

Samantala, nakalipat na mula Houston Rockets si dating Most Valuable Player (MVP) James Harden papuntang Nets.

Gayunman, hindi pa ito makapaglalaro sa Nets dahil kailangan pa ang pag-apruba rito ng National Basketball Association (NBA).

Facebook Comments