Kevin Durant, posibleng maglaro na sa Nets kontra Celtics

Inaasahang magbabalik na sa Brooklyn Nets si Kevin Durant kontra Boston Celtics matapos magkaroon ng hamstring injury.

Matatandaang nakuha ni Durant ang kaniyang injury sa laban nila ng Miami.

Si Durant ay may record na 27.3 points kada laro.


Hawak ngayong ng Nets ang 39-20 win loss record para sa Eastern Conference playoff habang mayroong 32-27 win loss record ang Celtics.

Facebook Comments