Kevin Durant, sasailalim sa re-evaluation bago makabalik sa NBA season

Sasailalim sa re-evaluation sa susunod na linggo si Brooklyn Nets star Kevin Durant matapos makaranas ng hamstring strain.

Ayon kay Nets coach Steve Nash, bagama’t maayos ang lagay ni Durant, kailangan nila itong suriin matapos ang isang buwang hindi paglalaro.

Aniya, kailangan nilang makasigurong nasa kondisyon ito bago makabalik sa lineup ng koponan.


Ang Nets ang nangungunang koponan sa National Basketball Association (NBA) pagdating sa scoring na may 121.1 points kada laro at shooting percentage na 50.0 percent.

Facebook Comments