Key policy rate ng bansa, napanatili sa 6.5%

Napanatili ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang key policy rate ng bansa sa 6.50%

Sa rate-setting meeting ng BSP ngayong araw, nagpasya ang BSP Monetary Board na panatilihin ang key policy rate sa 6.5% matapos bumagal ang inflation sa 4.9% noong Oktubre.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay nasa 25 basis points ang naging off-cycle rate hike ng BSP, dahilan para tumaas sa 6.50% ang policy rate sa naunang 6.25%.


Isa sa mga tinignan ng Monetary Board ang pinakabagong consumer price index at ang Quarter 3 Gross Domestic Product (GDP).

Batay sa pinakahuling projection ng BSP, ang full-year inflation ay inaasahang papalo sa 6.1% sa 2023 na bahagyang mas mataas sa 6.2% forecast sa huling Monetary Board meeting noong October 26.

Inaasahan din ng BSP na bababa sa 4.4% ang inflation sa 2024 at 3.4% sa 2025.

Facebook Comments