Nag-desisyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na panatilihin sa 6.25% ang kanilang policy rate.
Kasabay nito, itinakda ng BSP sa 5.75% ang overnight deposit habang ang lending rate ay 6.75%.
Naniniwala rin ang BSP na kapag mataas ang interest rates, makokontrol ng publiko at ng mga negosyante ang paggastos.
Sa ganitong paraan anila ay bababa ang demand ng mga produkto at serbisyo na susundan naman ng pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
Sa ngayon, ang average inflation para sa 2023 ay posibleng pumalo sa 5.5%, kung saan mas mababa sa 6.0% na naunang forecast.
Habang ang average inflation forecast naman para sa 2024 ay posibleng bahagyang bumaba ng 2.8%.
Facebook Comments